Welcome to my site everyone!!!

HELLO WORLD!!!

Wednesday, July 28, 2010

SONA Of P-NOY

"Hindi ka nagiisa papunta sa daang matuwid,kasama mo ako Noy"

Yan siguro ang magiging sagot ko sa unang SONA ni P-NOY.Puno ng pag asa at puno ng tiwala ang reaksyon ko sa kanyang unang SONA.

Hindi man ako umaasa na sa kanyang 6 na taon ng pamumuno na magiging isang napakaunlad na bansa ang Pilipinas ay naniniwala naman ako na ito na ang simula para sa ating bayan na muling mabuhayan ng pag asa tungo sa pagbabago at pagunlad.

Simple lang ang dating sa akin ng SONA ni P-NOY,pero masasabi kong isang magandang simula ang laban niya at laban natin sa pagsugpo ng korapsyon at pagbabalik muli ng pagtitiwala sa pamahalaan na halos mawala na sa nakaraang administrasyon.

Maraming ibinunyag si Noy sa taong bayan tungkol sa mga katiwalian at kalokohan ng nakaraang administrasyon. Akala mo isa siyang whistleblower sa harap ng mga taong inuluklok ng bayan upang manilbihan sa bayan at hindi ang pagsilbihan.

Kasabay ng kanyang pagsisiwalat sa mga inilihim sa atin ng ating nakaraang pangulo ay ang kanyang mga pangunahing hakbang sa taong ito at ang pinakanagustuhan ko dito ay ang usaping pang kapayapaan na isang napakahalagang bagay na dapat magkaroon ang bansa natin.Ang paghimok sa mga kontra Gobyerno na makiisa at tumulong tungo sa pagkakaroon ng isang adhikain na para sa kapakanan ng ating bayan ay isang simbolo ng pamahalaang nakikinig sa daing ng kanyang mga tao.

Paglaban sa korapsyon,kapayapaan,pagkakaisa at ang pagbibigay ng tamang serbisyo sa bayan.Mga bagay na nakita ko sa unang SONA ni P-Noy.

At para sa mga bumabatikos sa SONA ni P-NOY na kulang at walang laman,

"Open your minds, It will take more than 35 mins to talk the problems and the solutions for our country.Remember, Action is more powerful than words for this country"

Magkaisa tayo mga kapatid kong Pilipino, nakasalalay pa rin sa ating mga kamay ang kinabukasan ng ating BAYAN!

I am a Filipino and I have to be worth of it(",)

ANTHONY M. ROQUE
BPS 1-1